192

Aso na may mukha ng tao, ikinagulat ng netizens

Sharing is caring!

Isang 1-year-old na puppy na may itsura ng tao ang tampulan ngayon ng diskusyon ng netizens matapos kumalat ang larawan nito sa internet.

Si Yogi ay isang Shih-poo – crossbreed ng Shih Tzu at poodle.

Ang mga mata at baba ni Yogi ang dahilan ng pagmumukha nitong tao.

“He is the most playful puppy,” ayon sa may-ari ng tuta na si Chantal Desjardins sa Inside Edition. “He always wants to play ball or get his belly rubbed.”

Naging instant internet sensation si Yogi matapos i-post ng isang kaibigan ng pamilya ang larawan nito sa Reddit.

Ellie Hall (@ellievhall): THIS DOG HAS A HUMAN FACE.

not my prez (@Lindsay05946319): If the dog had plastic surgery.

Cantrell (@2008Cantrell): I think it looks like Ed Sheeran.

Colmarie (@lettiemarie17): Wow really does & strangely reminds me of #PaulRudd not sure why but does.

Marami man ang napabilib, may iba rin ang nagduda sa picture at sinabing ginamitan lang ito ng face swap program, pero iginiit ni Desjardins na wala siyang pineke sa litrato.

Aniya, hindi nga niya alam na may itsura pa lang tao ang mukha ng alaga niya hanggang sa pag-usapan ito sa Twitter.

“But I get why people see it in some pictures,” sabi pa nito sa Inside Edition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?