3

Jul 31, 2020 @ 13:15
By

Aso na COVID-positive, pumanaw

Ang unang aso na nagpositibo sa COVID-19 sa Estados Unidos ay sumakabilang-buhay na.

Bago magdiwang ng 7th birthday noong Abril, nahirapang huminga ang German shepherd mula New York na si Buddy.

Hunyo 2 nang ianunsiyo ng US Department of Agriculture (USDA) na nahawa nga ang aso sa coronavirus–ang unang aso na COVID-19 positive sa US.

Pumanaw ito, Hulyo 11.

Ayon sa National Geographic, hindi malinaw kung namatay si Buddy dahil sa cancer na lymphoma o dahil sa mga komplikasyon na dulot ng coronavirus na nakuha niya mula sa amo na si Robert Mahoney.

“It’s unclear whether cancer made him more susceptible to contracting the coronavirus, or if the virus made him ill, or if it was just a case of coincidental timing,” sabi pa sa ulat.

Ayon sa USDA, mas mababa sa 25 aso at pusa ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus sa nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?