143

By

Aso mag-isang bumiyahe sa bus, viral

Marami ang nag-volunteer para ampunin ang aso na nag-viral matapos makuhanan ng litrato habang nag-iisang nakaupo sa bus at walang may-ari.

Ayon sa nag-post na si Gemma Louise Burton, papunta siya ng eskuwelahan nang isang kakaibang pasahero ang sumakay ng bus – isang aso na walang amo.

Napansin ni Burton na malungkot ang aso.

“She did seem sad. She was sniffing around, and it looked like she was looking for someone,” sabi ni Burton sa Today report.

Simula nang mag-viral ang litrato ng aso, inanunsiyo ng Cliffe Kennels & Rescue sa Facebook na nasa pangangalaga na nila ang aso.

Marami na umanong nagpahayag ng interes para ampunin ang aso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?