63

Jan 22, 2021 @ 19:58
By

Aso araw-gabing naghintay sa paglabas sa ospital ng amo

Naantig ang maraming netizen sa isang aso na anim na araw nagpabalik-balik at matiyagang naghintay sa ospital hanggang sa makalabas ang kanyang amo.

Ayon sa Daily Mail report, sinundan ng asong si “Boncuk” ang ambulansiyang sinakyan ng kanyang among si Cemal Senturk papuntang Turkish hospital sa Black Sea city ng Trabzon matapos sumama ang pakiramdam noong January 14.

Simula nang maospital ang pinakamamahal niyang amo, araw-araw umanong naglalakad patungong ospital si “Boncuk”, umuupo sa labas nito at naghihintay na muling makita ang kanyang amo.

Ilang ulit daw na inuwi ni Aynur Egeli, anak na babae ni Senturk, ang aso pero tumatakbo ito pabalik sa ospital.

“She comes every day around 9am and waits until nightfall. She doesn’t go in. When the door opens, she pokes her head inside,” kuwento ng hospital security guard na si Muhammet Akdeniz.

Nagtatatalon sa tuwa si “Boncuk” nang lumabas na sa ospital si Senturk sakay ng wheelchair noong Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?