3
chess
By

Asian Universities chess: Bersamina pinagpag ang Indon

Sharing is caring!

Pinagpag ni International Master Paulo Bersamina si Indonesian Fide Master Arif Abdul Hafiz para makopo ang solong liderato matapos ang 3rd round ng 2018 Asian Universities chess championships na ginanap dito sa Tagaytay International Convention Center Lunes ng gabi.

Umabot sa 56 moves ng Sicilian defence ang laro ni reigning three-time UAAP Most Valuable Player Bersamina, nakalikom ito ng malinis na tatlong panalo sa nine-round swiss system.

Unang tinalbos ni Pasay City bet at 20-year-old Bersamina si Tze Hong Law ng Malaysia bago pinisak ang kapwa Pinoy na si National Master John Merill Jacutina ng Quezon City sa second round.

Abante ng kalahting puntos si Bersamina kina IM John Marvin Miciano ng Davao City, IM Wang Chen at IM Xu Yi ng China, IM Farid Firman Syah at FM Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia.

Sa distaff side, nagtala ng magkahiwalay na panalo sina Woman Grandmaster Wang Jue at Woman International Master Qiu Mengjie ng China para magsalo sa unahang puwesto na may perfect 3.0 puntos.

Pinigil ni Wang si Woman Fide Master Shania Mae Mendoza ng Santa Rosa City sa 36 moves ng Pirc defense habang namayani si Qiu kay Woman International Master Bernadette Galas ng Makati City sa 36 moves ng Caro-kann defense.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?