19

Feb 29, 2020 @ 21:34
By

Asian tour ng Green Day purnada sa coronavirus

Sunod-sunod na ang pagkansela ng mga show dahil sa banta ng novel coronavirus (COVID-19).

Noong Biyernes, pinakabagong nag-anunsyo ng kanselasyon ng kanilang Asian tour ang Green Day.

Sa Facebook post, sinabi ng American rock band na mahirap sa kanila ang naging desisyon na i-postpone ang kanilang upcoming shows sa Asia kabilang na sa Pilipinas.

Nag-abiso naman ito na iaanunsyo nila sa lalong madaling panahon kung kailan ang bagong petsa ng kanilang show.

“We know it sucks, as we were looking forward to seeing you all, but hold on to your tickets we’ll be announcing the new dates very soon,” sabi sa post.

Nakatakda ang Manila show ng Green Day sa March 14 sa Mall of Asia Arena.

Kabilang sa kilalang kanta ng grupo ang “Boulevard of Broken Dreams” at “21 Guns”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?