35

Sep 12, 2021 @ 14:53
By

Asian record binura ni Obiena sa Austria

Nagkampeon si EJ Obiena sa International Golden Roof Challenge sa Austria sa makasaysayang paraan nang malundag nito ang 5.93 metro na panibagong Asian record.

Ito ay nangangahulugan na ang tinalon ni Obiena ang pinakamataas na nalundag ng sinumang Asyanong pole vault athlete sa isang international competition sa kasaysayan.

Binura ng 25-anyos na Pinoy ang 5.92 metro na Asian record na nai-set ni Igor Potapovich ng Kazakhstan noong 1992.

Sa mga una niyang attempt sa torneo, madaling nilampasan ni Obiena ang 5.60 at 5.70 metro.

Si Matt Ludwig ng US ang umangkin ng ikalawang pwesto habang si Ersu Sasma ng Turkey ang third placer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?