43
Hidilyn Diaz
By

Asian gold medal winner Diaz, Didal, 3 pa pararangalan ng PSA

Sinimulan na ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Board sa pangunguna ni president Dodo Catacutan ng SPIN.ph ang pagpili ng mga nominee na top achievers at mga nominado para sa Athlete of the Year award.

Ilan sa mga nangunguna para sa award na ito ay ang apat na gold medal winners sa Indonesia Asian Games.

Ito ay sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, at golfing trio na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

Dadaluhan ang Annual Awards Night na ito ng mga editor, sportswriter at columnist mula sa broadsheet, tabloid at online media.

Paparangalan din ng PSA ang President’s Awardee, Executive of the Year, National Sports Association (NSA) of the Year, Lifetime Achievement Awardee, Mr. Basketball, Mr. and Ms. Volleyball at Mr. Football award.

Magaganap ang traditional gala sa darating na Pebrero 26, 2019 sa Manila Hotel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?