9

By

Asiad gold, bibigwasan ng PHL boxers

Pakay ng Philippine boxing team na lampasan ang four-medal haul ng bansa sa paparating na 18th Asian Games 2018 sa Jakarta at Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2 ngayong taon.

Apat na medalya — isang silver at tatlong bronze — ang nasikwat ng Pinoy boxers sa huling edisyon ng Asiad sa Incheon, South Korea noong 2014 at ayon kay national coach Roel Velasco, puntirya nilang maka-gold sa pagkakataong ito.

“Pipilitin natin (maka-gold) kaya todo-training kami ngayon,” bulalas ni coach Velasco, na nangunguna sa pag-eensayo ng Philippine boxing team sa kanilang tinatawag na high-altitude training sa Baguio City.

Nabigo sa 60-kilogram o lightweight finals showdown si Charly Suarez sa 2014 Asiad laban kay Mongolian Otgondalai Dorjinyambuu, 1-2, para magkasya lamang sa silver.

Higit sa 20 Pinoy sluggers ang bahagi ng training sa City of Pines sa loob ng Philippine Sports Commission facility sa Teacher’s Camp, panapos ni Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?