23

By

Asiad delegation, mababawasan sa 3X3?

Sharing is caring!

INAASAHANG mababawasan ng apat na atleta at isang coach ang pambansang delegasyon na tutungo sa 18th Asian Games.

Hirap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makapagbuo ng isang kompetitibo at potensiyal na makasampa ng medalya na koponan na isasabak sa sikat na 3X3 sa Asiad sa Palembang at Jakarta sa Indonesia.

Sakit-ulo ang asosasyon sa basketball na pinamumunuan ni Alfredo Panlilio na makabuo ng koponan dahilan sa ang rules at regulasyon ng 3X3 basketball competition na idaraos sa unang pagkakataon sa Asian Games ay limitado lang sa mga atletang edad 18-anyos hanggang 23.

Hindi inaasahan ng SBP na may age bracket ang torneo kaya’t ‘di nito mahihiram ang alinman sa mga PBA player na una nitong pinaglaro sa nakalipas na FIBA 3X3 World Cup na sina Troy Rosario, Stanley Pringle, RR Pogoy at Christian Standhardinger. Ang coach ng koponan ay si Ronnie Magsanoc.

May tsansa pa ang SBP na mahiram ang mga Gilas cadet tulad nina Kobe Paras, Isaac Go, Thirdy Ravena at Arvin Tolentino pero hindi tiyak ang Universities Athletic Association (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na magpapahiram ng mga manlalaro dahil direktang tatama ang iskedyul ng Asiad sa araw ng kompetisyon ng Asian Games 3X3 event sa mga laro ng UAAP at NCAA. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?