63

Nov 10, 2017 @ 11:05
By

Asi Taulava absuwelto sa tax case

Inabsuwelto ng Court of Tax Appeals si PBA veteran Asi Taulava sa kanyang P9.5 million tax evasion case na inihain ng Bureau of Internal Revenue noong 2013.

Sa desisyong inilabas noong Nov. 3, napag-alamang hindi raw napatunayan ng prosecution ang pagkakasala ng NLEX Road Warriors player ‘beyond reasonable doubt’ kaya pinawalang sala.

Sa 41-page decision, sinabi ng CTA 1st Division na hindi nakatanggap ang Fil-Tongan na si Asi ng assessment notice mula sa BIR kaya hindi nabigyan ng due process.

Hindi raw naipakita ng BIR ang registry receipt mula sa Bureau of Post, sa kabila ng sinabi ng tax agency na pinadalhan ng notice si Taulava.

“Non receipt of the final notice give rise to conclusion that the accused is under no obligation to pay the said taxes,” ayon sa desisyon ni Associate Justice Erlinda Uy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?