83

Feb 24, 2021 @ 14:38
By

AshMatt nag-anniv sa Coron

Bumisita sa Coron, Palawan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para ipagdiwang ang kanilang unang wedding anniversary.

Batay ito sa social media posts ng kanilang fans.

Sa kanilang anibersaryo, Pebrero 20, nagpasalamat si Matteo kay Sarah sa pagdadala ng ligaya sa kanilang tahanan.

“Look at our family!” caption ni Guidicelli sa isang IG post ng larawan nilang mag-asawa kasama ang 3 nilang alagang aso.

“Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up. You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you.”

“So proud of you, my love! I love you forever,” dagdag niya kalakip ang hashtags na #proudhusband at #blessed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?