206
Ashley, Ryzza Mae super kilig kay Austin Mahone
By

Ashley, Ryzza Mae super kilig kay Austin Mahone

Maraming netizens ang nainggit kay Ashley Ortega dahil nakalapit ito at nayakap nito ang American pop singer na si Austin Mahone. Dumating noong nakaraang linggo si Austin para sa ilang series of show sa Pilipinas.

Sa kuwento ni Ashley, nakasabay niyang nag-guest sa Sunday Pinasaya si Austin. Magkatabi lang daw ang mga dressing room nila at sumubok daw si Ashley na ma-meet niya si Austin.

“Crush na crush ko kasi ‘yang si Austin kaya nag-effort ako na makita siya talaga. Magkasama kami ni Ryzza Mae Dizon na pumunta kay Austin.

“Alam namin na very strict ang bodyguards niya pero nag-effort pa rin kami to see him. Noong okey naman, ayun nakapag-selfie kami with Austin with matching video pa. He was very nice and very accommodating sa amin ni Ryzza. Si Ryzza, kilig na kilig!

“As in nakakatuwa naman kasi ang guwapo niya tapos ang bait pa. Alam mong hindi siya ‘yung mayabang. Very down to earth siya,” sey pa ni Ashley.

Mas kinilig ang gumaganap na kontrabida sa teleserye na Sahaya noong mag-direct message sa kanya si Austin.

“Austin said na he had a great time in the Philippines and he was glad to meet nice people. And he wants us to keep in touch. Kaya sobrang kilig ako,” tawa pa ni Ashley.

Sumikat ang 22-year old na si Austin Mahone from San Antonio, Texas dahil sa kanyang YouTube videos when he was 15 years old. Isa sa pumatok na videos niya ay ang cover version niya ng song na “Mistletoe” ni Justin Bieber.

Noong makontrata si Austin ng Chase/Universal Republic Records, pinasikat niya ang mga songs na “Brand New”, “What About Love”, “Wait Around”, “Say Somethin'” at “MMM… Yeah”.

Well, makalaglag-panty nga raw ang kaguwapuhan ni Austin, eh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?