42

May 1, 2018 @ 12:47

Ashley Judd kinasuhan ang producer na si Weinstein

Nagsampa ng defamation at sexual harassment cases si American actress Ashley Judd laban sa Hollywood producer na si Harvey Weinstein.

Ayon kay Judd, sinira ni Weinstein ang career niya nang tumanggi siya sa sexual demands nito.

Sa civil lawsuit na isinampa sa Los Angeles Superior Court sa Santa Monica, si Weinstein umano ang dahilan kaya hindi napabilang si Judd noon sa 1998 movie na “The Lord of the Rings” dahil sa mga paninira sa kanya ng nasabing producer.

“Weinstein used his power in the entertainment industry to damage Ms. Judd’s reputation and limit her ability to find work,” sabi pa sa isinampang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?