26
arestado
By

ASG member na pumatay ng 3, tiklo sa Sulu

Sharing is caring!

Naaresto ng militar ang isa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group na responsable sa pagkamatay ng katao sa Indanan, Sulu.

Kinilala ito si Norham Bagadi ang pinsan ng sub-leader na si Aldij Bagadi alyas Sayning.

Si Bagadi ay responsable sa panggugulo sa Brgy. Langpas noong December 5 5 na ikinasawi ng tatlong mga inosenteng sibilyan at pagkasugat ng iba pa.

Ayon kay AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigader General Cirilito Sobejana alas-9:15 ng umaga kahapon ng madakip ang bandido ng mga nag-ooperate na miyembro ng 6th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.

Naaresto rin ito dahil sa tulong na rin ng miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF sa lugar.

Nakuha sa terorista ang isang kalibre 45 baril o (Remington 1911), magazines, rounds of ammo at blasting caps.

Sumasailalim na ang mga suspek sa custodial debriefing. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?