ASG may hawak pang 9 bihag – AFP

Sharing is caring!

Siyam na lamang ang ang natitirang bihag na hawak ngayon ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu, ayon Armed Forces of the Philippines Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana.

Sa siyam na kidnap victims, anim ay mga banyaga kabilang ang isang Dutch national, limang Indonesians at tatlong Pinoy. Iba-iba umano ang lokasyon ng mga ito.

Batay sa rekord ng AFP, sa pagsisimula ng taong 2017 umabot sa 43 ang naitalang kidnap victims sa Sulu.

Pero ayon kay Sobejana, 11 dito ay nailigtas na nila, 14 ang pinalaya, apat ang nakatakas, apat ang pinatay at siyam pa ang natitira.

Sa ngayon, mas naging maigting ang operasyon ng militar kontra terorista ASG batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mailigtas ang mga natitira pang bihag mula sa kamay ng mga bandido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?