22

Jul 25, 2018 @ 18:26
By

ASG cage gold, sweep ng PHL quintet

Winalis ng Philippine boys and girls basketball teams ang tig-4 na mga oposisyon upang magkampeon sa 10th ASEAN School Games 2018 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Winasiwas sa finals sa hapon ng PHL male squad ang nag-silver at host Malaysians, 85-65, matapos na pagbabalasahin sa nakalipas na mga araw ang Brunei, 142-19, ang Singapore 116-59, at ang Thailand 106-71.

Sa umaga naman dinismantel ng Filipina dribblers ang Singaporeans, 80-42, makaraang pagtutumbahin na rin ang Thais, 71-69, ang host country 80-58, at ang Indonesia 91-44.

Bronze winner sa mga lalaki ang Thais na dinemolis ang Singapore, 82-52, at sa mga babae ang Malays.

Pero pako pa rin sa pang-anim sa medal standings ang mga Pinoy sa weeklong, 15,000 secondary student, 10-nation meet. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?