55

By

ASEAN Para Games pinaghahandaan na

Posibleng ioorganisa din ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang sunod na isasagawa sa bansa na ASEAN PARA Games sa Enero ng 2020.

Ito ay matapos magpulong ang mga bumubuo sa Phisgoc at opisyales ng Philippine Paralympic Committee (PPC) nakaraang linggo upang pag-usapan ang posibilidad na mamahala para sa pagsasagawa ng mga torneo para sa mga atletang kabilang sa differently-abled persons.

Ang PARA Games ang kakambal na torneo na isinasagawa matapos ang kada dalawang taon na Southeast Asian Games.

Ang PPC ay pinamumunuan ni Mike Barredo na siyang mamamahala sa preparasyon at pagsasagawa ng ika-10 edisyon ng ASEAN PARA Games na gaganapin Enero 18-24, 2020.

Sinabi ni Barredo, na siya ring Philapgoc co-vice chairman at director general, na kabuuang 518 events sa 16 na sports ang paglalabanan sa torneo.

Mahigit sa 2,500 atleta at team officials mula sa 11 bansa ang sasabak sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?