21
views
Abante-TnT-chess
By

ASEAN chess: Mendoza, Quizon kampeon

Sharing is caring!

Nagkampeon sa kani-kanilang division sina Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza at Daniel Quizon sa pagtatapos ng blitz section ng ASEAN+ Age Group Chess Championships sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Kinalos ni Mendoza si Vietnamese Woman International Master Nguyen Thanh Thuy Tien upang mag reyna sa premier girls’ U20 habang tinalbos ni Quizon si Jasper Faeldonia para maghari naman sa open U14.

Kapwa humablot ng 4 gold medal sina Mendoza at Cuizon, kumalawit ang una sa individual at team golds sa standard division habang nakakopo ang huli sa individual at team mints sa rapid section.

Pinamunuan nina Mendoza at Quizon ang Pilipinas sa blitz para ungusan ang Vietnam sa gold count, 17-12 sa event na inorganisa ng Chess Events International at sanctioned ng NCFP sa ilalim ng pamamahala ni Butch Pichay at suportado ng Philippines Sports Commission at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang ibang nagtala ng individual victories para sa Pilipinas ay sina Ruelle Canino (girls U10), Rhenzi Kyle Sevillano (U20), Darry Bernardo (U18), FM Alekhine Nouri (U16), Francois Marie Magpily (girls U16) at WFM Allaney Jia Doroy (girls U18).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?