183

By

Asawa ni Trillanes, dumalaw sa Senado

Sharing is caring!

Tatlong araw nang hindi lumalabas sa gusali ng Senado si Antonio Trillanes IV matapos ipawalambisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya.

Dahil dito, sumadya sa Senado ang kanyang asawa ni si Arlene upang muling masilayan ang mister.

Nagkaroon din ng misa sa labas lamang ng opisina ni Trillanes na pinangunahan nina Father Robert Reyes and Father Flavie Villanueva.

Dinaluhan naman ng mga tagasuporta at ilang kaibigan ng senador ang nasabing misa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?