13,379

Jan 10, 2022 @ 15:53
By

Asawa ni Terrence Romeo kalaboso

Himas-rehas ang asawa ni Terrence Romeo ngayong Lunes matapos madakip ng Philippine National Police-Highway Patrol Group.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ang asawa ni Romeo na si Beatrice Pia White ay inaresto sa salang estafa, paggamit ng maling pangalan at technical carnapping.

Nahuli rin ang kasabwat ni White na si Efcel Reyes.

Ayon sa ulat, hiningian ng dalawa ang isang may-ari ng kotse ng P80,000 upang maibalik ang ninakaw na sasakyan.

Hindi umano ito ang unang beses na nadawit ang pangalan ni White sa reklamong estafa.

Samantala, kamakailan lamang ay iniulat ni Cristy Fermin na hiwalay na umano ang suspek sa asawang si Romeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?