wanda3

Asawa ni Sec. Teo magbibitiw na sa TIEZA board

Sharing is caring!

Nagsumite na umano ng resignation letter ang asawa ni Tourisim Secretary Wanda Teo na si Robert Teo bilang board member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) bunsod ng alegasyon ng ‘nepotism’ at ‘conflict-of-interest’.

Sa panayam ng dzMM kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Sec. Teo, nilinaw nitong itinalaga si Teo sa Tieza bago pa man magsimula ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

“Si Mr. Roberto Teo ay appointed po pala ni Pangulong Aquino, and he has already tendered his resignation effective June 30, 2018,” pahayag ni Topacio sa panayam ng dzMM.

Sabi ni Topacio sa ngayon ay hindi na umano dumadalo sa board meetings si Teo at hinihintay na lamang ang pagtanggap ni Duterte sa kanyang pagbibitiw.

Si Roberto Teo ay nasa TIEZA na sapul pa noong 2014. Noong Hunyo 2017, itinalaga din si ni Duterte bilang miyembro ng board of directors ng government-owned Landbank of the Philippines.

Dati siyang assistant city administrator ng Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?