196

Apr 3, 2019 @ 13:08
By

Asawa ni Nowitzki emosyonal: April dineklarang ‘Month of Dirk’ sa Dallas

Nagbigay-pugay ang siyudad ng Dallas para sa kanilang hometown hero na si Dirk Nowitzki sa pagsisilbi nito para sa lugar sa loob ng 21 taon.

Nalalapit nang magretiro ang German superstar, 40-anyos na at nanatiling loyal sa Dallas Mavericks.

Kaya naman sa bisa ng resolusyon na sinimulan ni Judge Clay Jenkins ay dineklara na ang Abril bilang ‘Month of Dirk’ bilang pagkilala sa mga nagawa ni Nowitzki sa kanilang siyudad.

Present ang asawa ng manlalaro na si Jessica bilang saksi sa nasabing parangal at lubos ang pasasalamat sa naging pagpupugay ng Dallas county.

Sa loob ng 21 taon, nakasungkit si Nowitzkl ng isang kampeonato para sa Dallas at natatanging tropeo para sa franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?