6,185

Jan 15, 2022 @ 20:56
By

Asawa ni Jose Manalo pumanaw na

Yumao na ang dating asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn.

Ayon sa anak ng comedian na si Myki, sumakabilang-buhay ang kanilang ina noong January 14.

Hindi binanggit ni Myki ang sanhi ng kamatayan ng kanilang mommy.

Sa Facebook, nagbigay tribute siya sa kanilang ina, na tinawag niyang “the wind beneath my wings”.

“No matter the circumstances, you have always been the wind beneath my wings. Watch over me. Embrace me this way, Mommy. These photos are how I want to remember you. You loved me in the only way you knew how. It wasn’t perfect, but it was still love. Thank you for giving me life. Thank you, Mommy. Thank you for fighting. Fly high and rest now. I love you so much. Always and forever,” sambit ni Myki.

May limang anak sina Jose at Anna Lyn: sina Benj, Myki, Ai, Niccolo at Colyn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?