22

Jan 14, 2022 @ 16:11
By

Asawa, anak ni Pia Guanio nadale ng Covid

Nadale ng COVID-19 ang asawa maging ang anak ng TV Host na si Pia Guanio.

Sa Instagram post ni Pia, ipinakita niya ang isang video kung saan makikitang kumakaway habang naka-isolate ang kaniyang mag-ama sa kabilang kwarto.

“My husband @steevemago and daughter @iamscarletmago are both isolating after testing positive for Covid-19,” caption ng host sa Instagram.

Dagdag din niya na miss niya na ang asawa’t anak ngunit masaya pa rin umano siya na nagpapagaling na ang mga ito.

“We miss them badly but we are grateful they are healing and recovering well,” dagdag pa ni Pia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?