295

May 8, 2020 @ 16:27
By

Asawa, anak ng stranded construction workers wala nang makain

Wala pa ring natatanggap na ayuda mula sa gobyerno ang mga construction worker sa Royal Peak, Parañaque City.

Kuwento ng isang manggagawa, ang ilan sa kanila ay kasama ang asawa at mga anak sa construction site at wala nang maipadede at mapakain sa mga ito.

Tinatayang nasa 50 katao ang na stranded ngayon sa nasabing site at umaasa na lang sa padala ng mga kamag-anak sa probinsya.

Samantala, nanawagan naman ang ilan sa kanila na sana’y mapauwi na sila sa kanilang mga probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?