1,155
Asar talo! Lowry tinulak ng fan
By

Asar talo! Lowry tinulak ng fan

Kita ang pagkainis ng isang Golden State fan ng bigla nitong itulak ang balikat ni Toronto Raptors guard Kyle Lowry nang mapa-dive ito sa stands sa Game 3 sa Oracle Arena.

Lamang ang Raptors kontra GSW, nang magtungo si Lowry sa stands para habulin ang bola, napasandig ito sa isang lalaki na inalalayan ang Raptors player.

Ngunit isang lalaki sa gilid ang bigla na lang umeksena ng itulak ang kamay ni Lowry dahilanpara komprontahin niya ito.

Nagreklamo ang manlalaro sa referee ngunit wala ring nagawa sa insidente.

Ayon kay Lowry, walang karapatan ang fan na hawakan siya at sana’y hindi na umano makatapak ang miron sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?