96
SBP liligawan ang Fiba para kay Clarkson
Jul 15, 2019 @ 22:15
By

Asa sa milagro! Clarkson kasama sa Gilas pool

Malabo man ang tsansa, aasa ang Gilas Pilipinas na makalusot ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson sa 12-man roster na sasalang sa 2019 Fiba World Cup.

Nag-ensayo ngayong Lunes ang Gilas kasama si Andray Blatche sa kauna-unahang pagkakataon para sa paghahanda sa World Cup.

At dito inihayag na kasama ang pangalan ng Cleveland guard sa 19-man training pool na ipinasa sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“Nilagay na namin doon sa pool si Jordan Clarkson,” ayon kay Guiao. “Were still hoping that a miracle happens.

“But at the same time, its also a back-up plan, knock on wood, and I hope nothing happens and no harm comes to Andray but at least we have options on the naturalized players,” saad pa.

Matagal nang inihayag ni Clarkson ang kagustuhang makasalang sa Gilas, nakalaro na sa PH national team noong 2018 Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?