262

Sep 9, 2021 @ 20:52
By

‘As a friend’ ni Paolo Contis pinagkatuwaan; Senyora sumakay

Katuwaan ngayon ng mga netizen ang pahayag na “as a friend” ni Paolo Contis na pag-imbita niya kay Yen Santos sa Baguio.

Sa mahaba niyang Instagram post, kinumpirma ni Paolo na sila ni Yen ang nasa viral photo na magkasama sa Baguio matapos aminin ni LJ Reyes na hiwalay na sila ng aktor.

Ani Paolo, pumunta siya sa siyudad para makapag-isip isip at inimbitahan si Yen. Pumunta naman daw ang aktres “as a friend”.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” sey ni Paolo.

Pero hindi kinagat ng madlang pipol ang magkaibigan lang paandar ni Paolo, at pati ang sikat na online personality na si Senyora at mga netizen ay pinagkatuwaan ito.

Nagkalat na rin ang mga meme tungkol dito.

“Arat Baguio! As a friend. G?” sabi ni Senyora sa Facebook post.

“Tara change oil kahit saan.. as a friend,” comment ni Lyka Barista.

“Masarap naman kasi talagang may makausap, masandalan, at makasama ‘as a friend’,” react ni Carl Pascua.




Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?