94
Arwind umaapaw ang kumpiyansa
By

Arwind umaapaw ang kumpiyansa

Balewala lang kay San Miguel forward Arwind Santos na lamang ang Magnolia Hotshots 2-1 sa 2019 PBA Philippine Cup Finals dahil kumpiyansa ito na matatapatan nila ang ipinakitang depensa ng Hotshots.

Matatandaan noong Game 3 nitong Linggo ay nakausad na ang Hotshots 86-82.

“Hindi ko nakikita kung low-scoring o high-scoring. Kasi noong una, high-scoring tinalo nila kami. Kung sino talaga maganda idedepensa, ‘yun ang mananalo,” paliwanag ni Santos.

Hindi sapat ang 19 puntos ni Santos kasama ang 12 rebounds, apat na assists at tatlong butata sa Beermen para tibagin ang Magnolia pero hindi daw siya kinakabahan.

“Wala ‘yan, hindi kami kinakabahan sa ganyan,” saad pa ng former MVP.

“Ita-tie lang namin ‘yan, sisiguraduhin namin na mananalo kami ng Game 4. Tapos best-of-three ang usapan.”

Paliwanag pa ni Santos, nagulat sila sa ipinakitang laro ng Hotshots kaya hindi sila nakapaghanda lalo na sa magandang depensa ng kalabang panig.

“May adjustment sila sa offense nila na ginawa na hindi namin napaghandaan. Ganoon naman ang basketball, kailangan mo mag-imbento, kailangan mo gumawa ng bagong weapon para magamit mo sa susunod na game,” giit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?