40

Nov 17, 2021 @ 16:00
By

Arwind Santos sa mga fan: ‘Move on’

Nakiusap si Arwind Santos sa kanyang mga loyal fan na tanggapin na lamang ang kinahinatnan ng kanyang karera at suportahan na lamang siya sa bago niyang koponan.

Marami pa ring gulat at hindi tanggap ang pagka-trade kay Santos mula San Miguel pa-NorthPort kapalit ni Vic Manuel.

Si Santos ay 40-anyos na at parte ng siyam na kampeonato ng Beermen, mula nang ilipat siya dito noong 2009.

Kaya naman, batid din ni Santos na may mga fan siya na ‘di tanggap ang nangyaring trade.

“Ang message ko naman sa lahat ng fans, especially sa San Miguel fans, sa mga loyal fans ni Arwind Santos din na huwag na tayong maging ano, tanggapin na lang natin ‘yung nangyari, kasi ganoon talaga,” saad ni Santos sa panayam nitong Martes.

“Enjoy na lang natin, next season, magkita-kita tayo, kung saan man akong team. Sana lagi kayong naka-suporta, at tanggapin lang natin kung ano ‘yung nangyayari sa buhay natin, kasi walang permanente sa mundo,” dugtong pa niya.

“So, move on.”

Bukod sa mga kampeonato, nagwagi rin si Santos ng dalawang Finals MVP at isang season MVP award bilang parte ng San Miguel franchise.

Inaasahan naman na sa bago niyang koponan ay magsisilbing gabay siya ng bagitong Batang Pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?