arwind-santos

Arwind Santos, pinagmulta ng P25K

Sharing is caring!

Pinagbayad ng P25,000 ng PBA Commissioner’s Office si San Miguel Beer star Arwind Santos dahil sa flagrant foul at mga komento laban sa officiating sa Game 3 ng Philippine Cup semifinal playoff laban sa Ginebra.

Ang P20,000 ay para sa mga pahayag ng dating Far Eastern University star na maaaring makasira sa liga kasunod ng pagkatalo ng SMB, 95-87, sa Ginebra.

Sinampal pa ito ng panibagong P5,000 para naman sa flagrant foul 1 na nakomit niya kay Ginebra center Japeth Aguilar sa third quarter ng Game 3.

Nang tanungin kasi si Santos hinggil sa kanilang pagkatalo sa Game 3 sinabi nitong:

“What went wrong? Medyo ano eh… May mga shadow eh… Parang may mga shadow ‘yung mga players kanina eh. Parang ‘yung lima nagiging walo.

“Parang ganun eh. Kaya parang nahihirapan kami bantayan kasi lima lang ‘yung kalaban, pero nagiging walo. Ewan ko kung sobrang bilis kaya may shadow?”

Samantala, ayon kay Commissioner Willie Marcial, humingi naman ng paumanhin si Santos sa negatibo nitong komento at sinabing nadala lang siya ng emosyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?