29

Apr 12, 2020 @ 15:26
By

Arwind Santos may hatid na “LOCKDOWNVIBES”

Idinaan ni PBA star Arwind Santos sa kanta ang kanyang mensahe para sa lahat sa panahon ng coronavirus pandemic.

Sa kanyang Youtube channel, ibinahagi ni Santos ang kanyang awit na may kasama pang choreography.

Ipinunto ng San Miguel Beerman sa kanyang awitin na “kaya natin ‘to” kontra sa COVID-19.

Iginiit rin nito na sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno upang matulungan ang pagsugpo sa nasabing sakit.

Linya pa sa kanta, “Lahat ng bagay may paraan basta’t magkaisa’t, magtulungan. Gawin natin ang lahat ng paraan. Coronavirus ay malalagpasan,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?