168

By

Arwind Santos hari ng sapal!

Kailangan ni Arwind Santos ng tatlo pang blocks para isampa ang total sa 800.

Linggo ng gabi, isa lang ang nabutata ng San Miguel Beer forward sa 88 attempts ng Magnolia sa Smart Araneta Coliseum.

Kapag nakumpleto ang 800, magiging unang active player ang Spider Man na makakagawa nito.

Sa kasalukuyan, 8th overall na si Santos sa all-time list ng blocks. Hinahabol niya si Manny Victorino na may 817.

All-time blocks leader si Ramon Fernandez na naglista ng 1,853 sa loob ng 1,074 games mula 1975-1994.

Sa 113-92 win ng Beermen kontra Hotshots, pasabog si Arwind ng 29 points mula 11 of 17 field goal shooting.

Noong Miyerkoles sa 93-79 win kontra Blackwater ay nadiyeta sa 4 points si Santos mula sa 2 of 9 shooting, 0 for 4 sa 3-point range. Pagkatapos ng larong ‘yun ay nagpaiwan siya at prinaktis ang shooting.

Laban sa Hotshots, 7 for 11 na siya sa labas ng arc.

“At least, nakabawi ako ‘di ba,” pahayag ni Santos.

Tinagay ng Beermen ang unang back-to-back wins ngayong all-Filipino, angat sila sa 4-3 para solohin ang fourth.

Balik si coach Leo Austria sa subok nang starting five nina June Mar Fajardo, Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter. Nagkakaamuyan na at suwabe ang samahan sa loob, nagsalansan ng 77 combined points at starters.

“Nagagawa namin ulit ‘yung mga dati naming ginagawa. Naibalik namin ‘yung dating plays,” wika ni Santos.

Hindi pa 100 percent ang Beermen, karamihan sa kanila ang nagrerekober pa mula trangkaso. Laking pasalamat nilang naitawid ang panalo.

“Sila Marcio, galing sakit. Si June Mar din,” dagdag ni Santos. “’Yung anak ko ding dalawa, may sakit.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?