187
Arwind pinagmulta sa purnadang ‘Spiderman’ dunk
By ,

Arwind pinagmulta sa purnadang ‘Spiderman’ dunk

Pinagmumulta si San Miguel forward Arwind Santos dahil sa csa Game 4 ng semifinal series sa pagitan ng Beermen at Phoenix Fuel Masters.

Sa Game 4 ng laro, pumorma si Santos na tila gagawin ang kanyang pamosong ‘Spiderman’ dunk pero agaran niyang napigilan ito kaya lusot siya sa mas malaking penalty.

Inamin ni Santos na natukso siya na gawin ang kanyang ‘Spiderman’ dunk pero nagbago agad ang isip nito ng papalapit na ito sa ring.

“Muntik na. Muntik ko nang itaas yung paa ko. Napigilan ko lang. Dapat itutuloy ko na eh,” sabi ni Santos.

Para sa kaligtasan ng lahat, pinagbawal ng PBA ang naturang dunk sa pagsisimula ng season at may karampatan parusa ang lalabag dito.

Huling nasilayan ng PBA fans ang ‘Spiderman’ dunk ni Santos noong All-Star Game sa Calasiao, Pangasinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?