48

May 14, 2018 @ 16:45

Arwind, naaalarma na sa kambal na talo ng SMB

Yumukod sa ikalawang pagkakataon ang San Miguel Beer sa laban nito sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Nalulubog na ngayon ang Beermen sa 0-2 record matapos unang padapain ng Meralco Bolts noong Mayo 9, 93-85.

Sinundan ito ng pagmasaker sa kanila sa overtime ng Rain or Shine, 123-119, kagabi (Mayo 13).

Bunga nito, naaalarma na umano si 2013 PBA MVP Arwind Santos dahil maiksing conference lang umano ang Commissioner’s Cup at importante ang bawat panalo.

Si Santos ang nanguna sa opensa ng San Miguel sa ipinundar na 29 points, 9 rebounds, 4 assists at 5 blocks pero hindi naging sapat para manalo sa Elasto Painters.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano nawawalan ng pag-asa ang kanyang team at posible pa nilang makamit ang kanilang goal na maging top 2.

Hindi umano sila magku-quit at gagawa ng adjustments na kinakailangan nila para manalo na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?