56

Nov 30, 2020 @ 15:08
By

Arwind, misis sobrang sweet

Dahil nasa labas na ng PBA Bubble, may pagkakataon na ang ilang player na makabawi sa kanilang mga pamilya.

‘Yan ang ginawa ni SMB veteran Arwind Santos sa monthsary nila ng kanyang misis na si Ivette.

Nagselebra ng monthsary ang mag-asawa sa kanilang tahanan kung saan naghanda ang misis nito ng romantic dinner.

Ani Ivette sa kanyang post, “just coz it’s 29. Finally had the time to prepare and set up a special dinner for hubby and kids. Happy 29, Smoochy!”

Kilalang sweet talaga ang mag-asawa mapa-social media man o hindi.

Hirit naman ni Santos sa post ng kanyang misis, “Happy monthsary and Thank you smoothy ko sa pagprepare ng masarap na pagkain at magandang presentation my love you mre.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?