45

Dec 6, 2021 @ 9:20
By

Arwind ‘blessing’ sa Northport – Jarencio

Naniniwala si Northport coach Pido Jarencio na malaking blessing para sa kanyang koponan ang makuha ang serbisyo ni Arwind Santos.

“I’m excited for my team,” pahayag ni Jarencio sa panayam ng Inquirer noong Linggo. “Truly excited, especially with this composition, I feel like we’re an even more balanced squad now.”

Matatandaang pagkatapos ng Philippine Cup ay pinamigay ng Batang Pier si Sean Anthony sa Phoenix para makuha si Vic Manuel.

Ngunit ‘di nagtagal si ‘Muscle Man’ sa poder ng Northport at ipinadala ito sa San Miguel para sa 40-anyos na si Santos.

“I feel like getting Arwind is a blessing,” ani Jarencio. “He’s really a leader. He’s a winner, too.”

“What’s really great about him is that he’s a 40-year-old guy with a body of that of a 30-year-old. You could really see how disciplined he is when it comes to his body. His conditioning and his preparation is second to none.“

Sa nakaraang Philippine Cup ay nag-average si Santos ng 12.3 points, 8,1 rebounds, 1.8 assists at 1.3 blocks para sa Beermen.

Bukod kay Santos, inaasahang mangunguna para sa Northport sina Robert Bolick at Greg Slaughter.

Ang Governors Cup ay lalarga sa Miyerkoles, kung saan kinuhang import ng Batang Pier si Cameron Forte. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?