117

By

Arvin Tolentino malaya na sa bangungot

Halos isang taon ang hinintay ni Far Eastern University forward Arvin Tolentino upang maibangon ang sarili mula sa isang nakapanghihinayang na pangyayari.

Noong 2017, nagkaharap ang Ateneo at FEU sa Final Four kung saan tabla ang laban, 75-all, 8.5 segundo ang natitira sa laban.

Tangan ni Tolentino ang bola para sana sa pampanalo, ngunit biglang nabitawan ang bola na nagdulot ng overtime na naging dahilan ng pagkalaglag ng kanyang koponan.

“Honestly, naisip ko mananalo kami but when I felt na nandun na yung tira ko, yung split-second na tumingin ako sa clock yun na yung naging factor kung bakit ko nabitawan yung bola,” saad ni Tolentino. “Unfortunately, turnover.”

Ngayon, tila nakabawi na si Tolentino sa nasabing fumble matapos maging bida para sa Tamaraws, na ibinuslo ang game-winning three mula sa pasa ni Jasper Parker.

“To be honest, naisip ko talaga yung last year. We had a chance to make it sa Finals and I blew it up. Yung nasayang ko na-opportunity still haunts me. ‘Yun talaga ang iniisip ko at sabi ko never again, never again,” saad pa ng graduating forward.

Ngunit nilinaw ni Tolentino na ang kanyang tira ay hindi ang dahilan ng kanilang pagkapanalo, kundi ang overall effort ng kanyang koponan para makatungtong sa Final Four sa ikaanim na sunod na pagkakataon.

“Ayoko isipin ng tao na nanalo kami dahil sa shot ko. Every shot was as big in this game,” sambit ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?