38

Dec 22, 2017 @ 15:43
By

Arvin Balag pinakawalan ng Senado dahil Pasko

Mariing sinabi ni Senador Panfilo Lacson na hindi isinusuko ng Senado ang constitutional right nito na pumilit sa testigo na humarap sa kanilang mga pagdinig bagaman sinunod ang utos ng Korte Suprema na palayain nila ang hazing suspect na si Arvin Balag.

Ayon kay Lacson, na chairman ng Senate committee on public order na dumidinig sa pagkamatay ni UST law student Horatio ‘Atio’ Castillo III sa fraternity hazing rites, sinunod nila ang direktiba ng Korte Suprema dahil Pasko naman at dahil hindi nila gustong magkaroon ng constitutional crisis ngayong Pasko.

“Having said that, there is no saying that we are about ready to give up the rights of the legislature, being a co-equal branch of government,” ani Lacson.

“We opted in the meantime to respect and comply with the SC (Supreme Court) resolution ordering the interim release of Balag even before its final ruling on the main case. We did so, all in the spirit of Christmas not to mention our desire to avoid a constitutional crisis during this holiday season,” dagdag ng Senador.

Pinakawalan ng Senado si Balag kagabi (Huwebes) dahil sa en banc resolution ng Korte Suprema na pumanig sa petition for certiorari nu’ng i-contempt ng Senado at ikulong mula noong Oktubre 18.

Bilang sangay na kapantay ng Korte Suprema, sinabi ni Lacson na ilalaban nila ang kanilang poder na pumilit ng mga tao para humarap sa kanilang mga pagdinig at ito ay nakasaad sa Section 21 Article 6 ng Konstitusyon.

Aniya, tatalakayin nila ang isyu kay Balag at ang utos ng Korte Suprema sa tamang panahon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?