706

Jun 9, 2018 @ 0:53
By

Arum nagka-amnesiya na kay Pacquiao

Inisnab ni Top Rank promoter Bob Arum ang dating alaga na si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang listahan ng top welterweights.

Natanong si Arum tungkol sa paparating na Jeff Horn-Terrence Crawford clash sa Linggo at inisa-isa ang mga top contender sa welterweight ngunit kapansin-pansin na tila may nakalimutan itong pangalan.

“There are a lot of great welterweights out there, two of them are fighting (Jeff Horn at Terrence Crawford), and there’s Errol Spence, who is a terrific fighter, Keith Thurman, Shawn Porter and Danny Garcia,” dada ni Arum.

Marami pang binanggit na boxer ang 86-anyos na promoter bago pumasok sa isip niya si Pacquiao na tila nagpatama pa.

“There is Manny Pacquiao, well, he is more of a politician, but he is a fighter, I guess,” patutsada ni Arum habang tumatawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?