841

Jun 14, 2019 @ 16:25
By ,

Arum ayaw magka-brain injury si Pacman

Natatakot ang beteranong promoter na si Bob Arum sa panganib na maaring makuha ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa oras na makaharap nito sa susunod na buwan si Keith Thurman para sa WBA welterweight title.

Hindi na naitago ng 87-anyos na promoter ang pag-aalala nito kay Pacman (61-7-2, 39 KOs), na maaring aniya uminda ng brain damage, sa laban nito sa mas batang Thurman (29-0, 22 KOs).

Lumutang ang ganitong posibilidad matapos magtamo ng seryosng brain injury ang 41-anyos na boksingero na si Zab Judah sa laban nito noong Hunyo 7 kontra Cletus Seldin sa Syracuse.

Ayon sa balita na inilabas ng Agence France-Presse (AFP), gusto niyang manalo sa laban na ito si Pacquiao pero kailangan din isipin nito na nagkakaedad na siya at wala na sa rurok ng kanyang kalakasan kumpara noong mas bata pa siya.

“I wish him the best and I hope he wins the fight but I am concerned, as I would be for any fighter, that when they get to a certain age that they probably should not be fighting anymore,” sabi ni Arum.

“You know, I mean, the doctors will tell you that the cranium as you get older, thins out. So a guy that’s younger gets hit and the cranium absorbs the blow so that it doesn’t affect the brain matter.”

Ayon pa kay Arum, ang nangyari kay Judah noong nakaraang linggo ang pinakamagandang halimbawa kung gaano kapanganib ang lumaban kapag nasa 40s ka na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?