55

Oct 7, 2021 @ 17:32
By

Artista duo balak maging mukha ng Bulacan

Tandem sa pagka-gobernador at bise gobernador sa lalawigan ng Bulacan ang dating aktor na si Daniel Fernando at actor-singer na si Alex Castro.

Ikalawang termino ang tangka ni Fernando habang ito naman ang unang sabak ni Castro sa pagka-bise gobernador.

Tiwala naman si Castro na sapat ang kanyang kakayanan para pamunuan ang lalawigan.

“Sa aking 17 taon bilang mambabatas at lingkod bayan alam kong inihanda ako ng Panginoon para sa aplikasyong ito upang maging bise-gobernador ng lalawigan ng Bulacan,” saad sa kanyang IG post.

Si Castro ay sumikat bilang contestant ng ‘Are You The Next Big Star’ at asawa ni Sunshine Garcia.

Samantala, si Fernando ay sumikat bilang matinee idol noong dekada ’80 lalo na sa pelikulang ‘Scorpio Nights.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?