159

By

Artist sketch ng 2 suspek sa pagpatay kay Batocabe, inilabas na

Inilabas na ang ilan sa mga artist sketch ng suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe ng Daraga Albay at sa escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Si Batocabe kasama ng kanyang police escort na si Diaz ay tinambangan noong Sabado ng hapon sa gift-giving event sa Barangay Burgos, Daraga, Albay.

Nakatutok na umano ang PNP Special Investigation Task Group at National Bureau of Investigation sa imbestigasyon sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?