31

Nov 25, 2021 @ 17:03
By

Arthur Nery kinabog BTS sa Spotify

Hindi magpapatalo ang Filipino singer, actor, model at social media influencer na si Arthur Nery nang makapasok ang 12 na kanta sa Top 50 Philippines Chart sa isang music streaming app.

Nilamangan ng mga kanta ni Arthur nang mahigit 200,000 streams ang sikat na South Korean boy band na BTS, ayon sa Spotify.

Sumikat si Arthur nitong kasagsagan ng pandemic dahil sa angkin nitong galing sa pagkanta.

Maraming tagahanga ni Arthur ang nagsasabing nakaka-relate ang mga ito sa heartbreaking lyrics ng mga kanta nito. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?