79

By

Arson ‘di muna dapat ni-report sa media – Star City official sa BFP

Mariing inihayag ng pamunuan ng Star City amusement park na walang katotohanan na sinadya ang nangyaring sunog na naganap nitong nakaraang Huwebes sa Pasay City.

Ayon kay Atty. Rodolf Steve Hularval, Vice President for legal at tumatayong tagapagsalita ng Star City at MBC, mali ang unang inihayag ng Bureau of Protection (BFP) sa pamumuno ni Fire Marshal Supt. Pol Pili kung saan nagbigay agad ito ng paunang resulta sa gitna ng hindi pa tapos ang imbestigasyon.

“Hindi dapat nagbigay agad ng official report si Supt. Pili sa media dahil hindi pa lumalabas ang result ng imbestigasyon at lab test sa kinuhang sample ng BFP, ” paliwanag ni Hularval.

Ito ay nag-ugat sa lugar kung saan nakitaan umano ng mga tauhan ng BFP ng gasolina kung saan nag-umpisa ang sunog sa amusement Park na tumagal ng halos 14-oras.

Ang pahayag ng Star City ay kasunod na rin ng walk thru ng BFP kasama ang media sa mga lugar na nasunog sa Star City.

Batay sa report, agad kasing kinumpirma ni BFP fire Marshal Supt. Pili na arson ang naganap na sunog sa Star City amusement Park at ang isa sa sinisilip nila ang lugar sa Pirate Adventure na kung saan nagsimula ang sunog at nakitaan pa umano ng gasolina.

Inaalam pa rin kung bakit may gasolina sa loob ng Pirate Adventure.

Pero sa ngayon ay wala pa silang matukoy na suspek sa ginagawa nilang imbestigasyon at lumilitaw na sinadya umano ang sunog sa nasabing amusement park.

Dagdag pa ni Pili, kaduda-duda din umano ang agarang pagkalat ng apoy sa mga iba pang establisyimento at may mga portion sa Star City umano ang hindi nasunog.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP kung ano ang motibo sa nangyaring sunog at kung may kinalaman ba ito sa insurance na makukuha sa mga establishment ng Star City amusement Park.

Sa ngayon ay under control pa ng BFP ang buong Star City compound kasama na ang Manila broadcasting Company, MBC building kung saan nagpo-programa ang DZRH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?