5

Feb 28, 2021 @ 15:21
By

Arsobispo sa Pampanga nahawa sa COVID

Si Archbishop Florentino Lavarias, ang pinuno ng Archdiocese ng San Fernando sa Pampanga, ay nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni vicar general Fr. Francis Dizon sa nilabas nilang circular ni chancellor Fr. Danny Nacpil ngayong Linggo.

Binanggit naman nilang “nananatili sa stable condition” si Lavarias, 64 anyos.

Agad din umanong inabisuhan ang mga nakahalubilo ng Arsobispo hinggil sa kasalukuyang kalagayan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?