49

By

Arroyo, walang paki sa mababang trust rating

Ipinagkibit-balikat lang ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang resulta ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing siya ang may pinakamababang trust rating sa elected government officials.

Aniya, hindi na umano bago sa kanya ang naturang trust ratings.

“Those trust ratings are not new to me. Remember I was pilloried very much when I am president?” ani Arroyo.

Mas nais umano ng congresswoman na magpokus na lang sa kanyang trabaho kaysa isipin pa ang naturang rating.

Sa isinagawang Pulse Asia survey noong December 14-21, 2018, si Arroyo ang nakakuha ng may pinakamababang approval at trust rating na 27% at 21%, ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?