Binigyan na umano ng Malacañang ang Kongreso ng petsa kung kailan mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed P3.8 trillion 2019 national budget.
Sa panayam kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nito binanggit kung kailan pero sinabing sa lalong madaling panahon ay lalagdaan ng Pangulo ang budget dahil sa ngayon ay nagsasagawa pa ito ng line-item vetoes.
Hindi naman binanggit ni Arroyo ang mga bahagi ng General Appropriations Bill na ibi-veto ng Pangulo.
Hangga’t hindi napipirmahan ng Pangulo ang 2019 budget ay patuloy na gagamit ang pamahalaan ng 2018 reenacted budget.