25

By

Arroyo tiwala sa mga economic manager ni Duterte

Sharing is caring!

Hinimok ng liderato ng Kamara ang publiko na bigyan ng sapat na panahon ang mga economic manager ng administrasyong Duterte na ayusin ang lumolobong inflation sa bansa.

Ayon kay dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, nasa tamang landas ang tinatahak at mga ginagawang hakbang ng mga miyembro economic development cluster ng gabinite upang pigilan ang sumasamang lagay ng ekonomiya.

“Let’s give a chance to our economic managers to be able to address the situation” sabi ni Arroyo.

Kumpiyansa at tiwala umano si Arroyo sa economic cluster ni Pangulong Rodrigo Duterte na onti-onti ng sinusunod ang mga suhestiyon at plano para sa sugpuin ang namamagang inflation sa tulong na din ng kanyang dating Socio-Economic Planning secretary na si Albay Rep. Joey Salceda

Si Salceda ay dating Director General ng National Economic Development Authority (NEDA) ni Arroyo noong kasagsagan ng global financial crisis mula 2007 hanggang 2008.

“I guess Joey gave his suggestions yesterday and I think that he makes a lot of sense about his suggestions. So they’re very good suggestions and let’s pray that inflation has already peaked,” sabi Arroyo.

Paliwanag ng dating pangulo, mas malala ang kanyang hinarap ng paglobo ng inflation kesa sa kasalukuyang sitwasyon subalit agad niya itong napigilan at naibaba sa loob lamang ng ilang buwan, dahil na din sa pamumuno ni Salceda sa kanyan economic team

“So, something can be done (present high inflation),” sabi Arroyo.

Paliwanag pa ng dating punong ehekutibo, dapat umanong maglaan ng panahon ang pamahalaan upang punan ang kasalukuyang kakunlangan sa mga supply ng bigas, isda, at karne—na mga pangunahing pinagbabasehan ng pagtaas or pagbaba ng inflation.

Maliban sa supply ng bigas, isda, at karne, ang mga pangunahing binabantayan na direktang nakaka-apekto sa inflation ayon sa lider ng Kamara ay ang palitan ng piso sa dolyar at ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“During that time (2007-2008), what the economic managers did was that they poured a lot of support to the agricultural sector both for production and for importing rice,” dagdag ni Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?